Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo

Ano ang kaya nating iwan upang tayo ay makasunod kay Kristo? Kaya ba nating kalimutan ang ating sarili? Handa ba tayong pasanin at yakapin ang ating krus araw-araw?

Ito ang narinig natin sa Mabuting Balita ngayong araw na ito. Ito ang hamon ni Kristo sa mga nagnanais maging kanyang alagad. Sa panahon ng Kuwaresma isang bagay na maaari nating gawin ay ang “pamamanata”. Hindi ang pamamanatang magpapako sa krus o mag-suplina. Ibig sabihin ng pamamanata ay ang pag-iwas sa isang bagay na nais natin. Ito’y pagsasanay na supilin ang ating katawan at mga pagnanasa nito. Maaari itong hindi pagkain ng prutas sa panahon ng kuwaresma, ang pagbabawas ng oras ng ating ginugugol sa mga bagay na hindi lubos na kailangan, tulad ng panonood ng telebisyon, facebook at iba pa.

Sa pamamagitan ng ating pagtitiis sa mga maliliit na bagay na ito inihahanda natin ang ating sarili upang kayanin ang maaari pa nating malalaking hamon sa buhay. Sa ating kawalan tayo mapupuspos ng biyaya ni Kristo. Kaya nga’t “Ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon” (Lukas 9:24)
Huwag tayong matakot na sumunod sa mga tuntunin na ibinigay sa atin ng Diyos. Tulad sa unang pagbasa ngayon mula sa aklat ng Deuteronomio 30:15-20; “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan. Kapag sinunod ninyo ang kautusan, inibig ang Panginoon, at nilakaran ang kanyang mga landas, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.”
Huwag din nating kalimutan sa Kuwaresmang ito na “kasalanan ay talikdan, at ang pagsuway ay pagsisihan.
– b

Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo

Ano ang kaya nating iwan upang tayo ay makasunod kay Kristo? Kaya ba nating kalimutan ang ating sarili? Handa ba tayong pasanin at yakapin ang ating krus araw-araw?

Ito ang narinig natin sa Mabuting Balita ngayong araw na ito. Ito ang hamon ni Kristo sa mga nagnanais maging kanyang alagad. Sa panahon ng Kuwaresma isang bagay na maaari nating gawin ay ang “pamamanata”. Hindi ang pamamanatang magpapako sa krus o mag-suplina. Ibig sabihin ng pamamanata ay ang pag-iwas sa isang bagay na nais natin. Ito’y pagsasanay na supilin ang ating katawan at mga pagnanasa nito. Maaari itong hindi pagkain ng prutas sa panahon ng kuwaresma, ang pagbabawas ng oras ng ating ginugugol sa mga bagay na hindi lubos na kailangan, tulad ng panonood ng telebisyon, facebook at iba pa. (more…)