Pasko 2021

Mahigit dalawang-libong taon na nang isilang ng Mahal na Birheng Maria sa Bethlehem ang ating Panginoong Hesukristo, ang ikalawang persona ng Banal na Santatlo. Sa katahimikan ng sabsaban iniluwal ng Birhen ang kanyang panganay (Lukas 2:7). Nagtungo ang anghel ng Diyos sa mga pastol upang ipahayag ang magandang balitang ito, at sila ay humayo at nakita ng kanilang mga mata ang magliligtas sa sangkatauhan, ang kakalas sa pagkakatali nito sa kasalanan. Lahat ng ito sa katahimikan sa Bethlehem. Read More

Fatima

Marahil karamihan sa atin ay kilala ang ating Mahal na Inang Maria sa kanyang titulo na “Our Lady of Fatima” o Birhen ng Fatima. Ang marami sa atin ay may larawan o imahen ng Fatima sa ating tahanan. Dito sa Roma ay kilala ang Simbahan ng Fatima kung saan maraming Pilipino ang nagtitipon upang magbigay pugay sa Mahal na Ina. Marami ang maagang gumigising at nanggaling pa sa mga malalayong lugar upang pumaroon. Read More