Ang Kamatayan ni San Juan Bautista

Sa araw na ito ay ginugunita natin ang pag-aalay ng buhay ni San Juan Bautista, na pinsan at tagapagbinyag sa ating Panginoon. Mahalaga na matutunan natin ang kahalagahan ng halimbawang ito.

Si Juan Bautista ay pinapugutan ni Herodes Antipas. Sinasabi na nasisiyahan si Haring Herodes na makinig kay Juan na mangaral; ayon sa Ebanghelyo, “Gustung-gusto niyang makinig kay Juan kahit labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito. ” (Marcos 6:20). Ngunit hindi ito naging sapat upang huwag niyang ipapatay si Juan. Mababatid natin mula rito na hindi sapat na nasisiyahan o nagagalak tayo sa mga magandang pangaral na ating naririnig. Mahalaga na maniwala tayo at isabuhay ang paniniwalang ito. Read More

Piyesta?

Tayong mga Pilipino ay kilalang napakahilig sa mga piyesta. Lahat ay nagiging dahilan ng mga kapistahan.

Ngayong buwan ng Mayo, marami tayong mga kapistahan na ipinagdiriwang. Ang tawag pa na marami ay “piyesta ng aming patron”. Ang mga patron na ito ay kadalasang mga titulo ng ating Mahal na Birhen at mga Santo. Ngunit tanungin natin ang ating mga sarili at magnilay, ano ba talaga ang kahulugan ng mga pagdiriwang na ito? Kilala ba natin at alam ang buhay ng tinatawag nating “patron”? Marami ang nagsasabi na may debosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima, ngunit alam ba natin ang mensahe ng Fatima? Sa maraming probinsya kilala na patron ng mga magsasaka si San Isidro Labrador? Ano ba ang kanyang ginawa at tinawag na banal o Santo.
Read More